SANGGOL KINATAY AT TINAPON SA KANAL π ⚠️ MASILAN ANG VIDEO
Nadurog ang puso ng mga netizen nang makita ang litratong kumalat sa social media kung saan kalunos-lunos ang itsura ng patay na sanggol na itinapon sa tambak ng basura sa gilid ng kanal sa isang lugar ng Brgy. Bagua Dos, Cotabato City kamakalawa.
May mga saksak sa katawan ang sanggol na lalaki na ibinalot sa plastic saka itinapon sa nasabing lugar.
Nadiskubre ito ng mga residente sa lugar dahil na rin sa mabahong amoy na umalingasaw mula sa mga tambak ng basura sa gilid ng kanal.
Walang nakakita kung sino ang nagtapon sa bangkay ng sanggol na base sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad ay may dalawang araw na diumanong nasawi.
Ang mga residente na rin ang nagbigay ng maayos na libing sa sanggol.
Kinondena naman ng mga netizen ang insidente at may nanawagan pa sa mga awtoridad na paimbestigahan ito sa Scene of the Crime Operatives para matukoy kung sino ang may kagagawan ng krimen.
“Niluwal, sinubsob sa kanyang inunan, itinapon sa basurahan, may dalawang saksak sa kanyang tagiliran na tumagos sa kanyang tiyan, may dalawa pang saksak sa binti,” paglalarawan ng netizen na si Nor-ain Ibad Lambitan sa natagpuang sanggol.
Tinatanong din ni Lambitan kung bakit kailangang parusahan ng ganito ang wala pang kamalay-malay na sanggol.
“Nakakadurog ng puso ang batang ito. First time our Barangay Bagua 2 Cotabato City to experience this case,” ayon pa sa kanya.
Hustisya ang hinihingi ng mga netizen para sa sanggol.
“Buti pa ang hayop pag nanganak inaalagaan ang anak,” sabi ng isa pang netizen na si Samrah Esmael Courtines.
ANG PANGYAYARING ITO AY NANGYARI NOONG 2018 PA!
CREDIT TO: https://archive.tonite.abante.com.ph/sanggol-kinatay-itinapon-sa-kanal/
Comments
Post a Comment