LALAKING NG RAPE SA BATANG 4 YRS OLD NA MAY KAPANSANAN PATAY MATAPOS BARILIN NG PULIS

 Patay ang lalaking suspek sa panghahalay at pagpatay sa isang batang babaeng may kapansanan matapos manlaban umano sa mga aarestong pulis sa Tagkawayan, Quezon.



Kinilala ng Tagkawayan police ang nasawing suspek na si Mauro Gravamen Cargar, 63 anyos, residente ng Barangay Ilayang Alsam, Tayabas.

Si Cargar ang suspek sa rape-slay ng batang si Kaycee Sabornido Oabel, 10 anyos, residente ng Barangay Ilayang Alsam.

Batay sa report, ang suspek ay aarestuhin ng mga tauhan ng Tagkawayan police sa pinagtataguan nitong kubo sa Barangay Aldavoc, subalit nagmatigas ito sa kabila ng pagkumbinsi ng mga awtoridad na sumuko.

Tinangka pa umano nitong hagisan ng granada ang mga aaresto kaya binaril ito ng mga pulis na agad nitong ikinasawi.

Ang suspek na residente ng nasabing barangay ay natunton ng mga awtoridad matapos na umalis ito sa Tayabas City pagkatapos mangyari ang krimen sa bata noong nakaraang Biyernes, February 19.

Ang biktimang si Oabel, na isang batang may autism, ay natagpuang patay sa masukal na lugar sa itaas ng burol sa Barangay Ilayang Alsam, Tayabas City matapos mawala nang nasa 10 araw.

Sa imbestigasyon ng Tayabas police, natuklasan na ginahasa muna ang biktima bago ito pinatay sa sakal at palo ng matigas na bagay sa ulo.

Naging person of interest si Cargar sa kaso nang ito ay magtago matapos ang krimen.

Comments

Popular posts from this blog

4 YEARS OLD NA MAY KAPANSANAN NI RAPE NG 60 YEARS OLD NA LOLO

LALAKING NANG RAPE SA SANGGOL NAHULI NA AT NAKULONG NA!