2 YEARS OLD NA BATA, GINAHASA NG KAINUMAN NG KANYANG TATAY

 2 YEARS OLD NA BATA, GINAHASA NG KAINUMAN NG KANYANG TATAY 



2 YEARS OLD NA BATA, GINAHASA NG KAINUMAN NG KANYANG TATAY

Arestado ang isang lalaki na pinaniniwalaang bangag sa iligal na droga nang maaktuhan itong ginagaha­sa ang 2-anyos na batang babae na anak ng kanyang malapit na kaibigan kahapon ng madaling-araw sa Iligan City.


Bugbog-sarado naman ang suspek na si Ibrahim Bulo Adiong, 27, binata, taga-Purok West East, Brgy. Cabili matapos kuyugin ng mga galit na residente na humabol sa kanya.


Ayon kay Police Brig. Gen. Rolando Anduyan, Regional Director ng Police Regional Office (PRO) 10, alas-3:15 ng madaling-araw nang magising ang tatay ng biktima dahil sa pag-iyak ng paslit at makita ang kaibigan na nakahubad at nakapatong sa anak.


“Kitang-kita daw ng tatay na hinugot pa ng suspek ang ari nito sa kawawang bata bago mabilis na tumakas,” saad ni Anduyan sa panayam ng Abante.


Hinabol naman ng tatay ng biktima ang suspek sabay hingi ng tulong sa mga kapitbahay na mabilis namang rumesponde at nang maabutan si Adiong ay kinuyog at pinagbubugbog.


Napag-alaman na kaibigan ng pamilya ang suspek at doon pa ito nagdiwang ng pagsalubong ng Bagong Taon sa bahay ng pa­milya ng biktima.


Nang dinala sa himpilan ng pulisya ang suspek ay nakuhanan pa ito ng isang sachet ng shabu sa bulsa kaya ayon sa pulisya ay posibleng bangag sa droga ang lalaki nang gawin ang panggagahasa. ­(Edwin Balasa)


Comments

  1. Dapat balatan ng buhay ang mga taong ganyan😑😑😑😑😑😑

    ReplyDelete
  2. Sobrana tlga,kahit sanggol,wala n tlgang patawad,kung me bitay matatakot na cla,at hindi n lolobo p ang narerape,mantakin nyo pati sanggol

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

4 YEARS OLD NA MAY KAPANSANAN NI RAPE NG 60 YEARS OLD NA LOLO

LALAKING NANG RAPE SA SANGGOL NAHULI NA AT NAKULONG NA!